How to register or transfer voter’s registration
Papalapit na ang Election 2022 at tiyak marami ang lumipat ng tahanan malayo sa lugar kung saan dati sila bumoto. Kung isa kayo sa mga nais magtransfer ng inyong voter’s registration, narito ang mga paraan paano mailipat ang inyong voter’s registration upang sa ganun makakapagboto kayo sa darating na election.
TANDAAN: Ang deadline ng pagrehestro o magpatransfer ng inyong voter’s registration upang makapagboto sa darating na eleksyon ay sa September 30, 2021 na lamang.
Sundin ang mga paraan na ito sa pagtransfe ng inyong registration:
1.) Fill out voter’s registration application form CEF-1
Mag fill out ng application form (CEF-1) na maaaring idownload dito. Maaari rin itong makuha sa Office of the Election Officer (OEO) sa inyong lungsod o munisipyo. Kapag gusto ninyong magsumiti ng inyong voter’s registration online pumunta lamang sa link ng COMELEC dito.
*Para sa pag print ng downloadable form, siguraduhin na ilagay ito sa 8×13 inches na bond paper or legal size na papel at iprint ito ng kabilaan o back to back.
2.) Know your address and the length of stay in the current address
Alamin ang bago or kasalukuyang address at kung gaano na kayo katagal nakatira sa kasalukuyang address.
*Tandaan lamang na kung kayo ang magpaparihestro o magpatransfer ng inyong voter’s registration, kailangan na kayo ay nakatira na sa bagong address, kung saan ninyo gusto bumoto, nang hindi bababa sa anim na buwan o 6 months bago ang May 9, 2022 election.
*Kung kayo ay lumipat sa ibang lungsod o munisipyo, kailangan ninyong isumiti at kompletohin ang Personal Information Form, na makikita sa ikalawang pahina ng CEF-1 form.
*Kung kayo ay may kapansanan o person with disability o senior citizen, kailangan ninyo na magfill out ng Annex B o ang “supplementary data form“.
*Para sa mga gustong mag-apply online, mag log-in lamang sa iRehistro website ngunit hindi ito nangangahulugan na automatic na kayong rehistrado bilang mamboboto. Kailangan nyo pa rin na maisumiti ang inyong application personally sa COMELEC office.
*Huwag permahan o lagyan ng thumb mark sa inyong tahanan ang inyong application. Kailangan itong gawin sa harap mismo ng election officer sa mga local COMELEC office.
3.) Submit the application form and other requirements to your local COMELEC office
Ang mga impormasyon o ang voter’s registration ay napakaselan kaya kailangan itong isumiti personally sa mga Office of the Election Officer (OEO).
*Pumunta ng personal sa mga local Office of the Election Officer (OEO) sa inyong lugar at isumiti ang inyong application form kasama ang mga kailangang dokumento na nagpapatunay ng inyong pagkakilanlan
*Kung kayo ay wala pang CEF-1 form o application form, maaari kayong kumuha sa OEO at doon magfill out ng form.
*Hanapin ang pinakamalapit na Comelec office sa inyong lugar.
* Ang mga tanggapan ng Office of the Election Officer ay bukas mula Lunes hanggang Beyernes ala-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon. Magtatapos naman ang voter registration sa Setyembre 30, 2021.
PAALALA:
Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng pandemya, ang mga opisina ng Comelec ay maaaring sarado sa panahon ng pagdisinfect ng opisina kaya bago pumunta, tumawag muna kung ito ay bukas.
4.) Valid ID and Documents needed
- Employee’s ID or Company ID with employer’s signature
- Postal ID
- PWD ID
- Senior Citizen’s ID
- Student’s ID or Library card signed by the school principal or administrator
- NBI clearance (not expired)
- Driver’s license (not expired)
- Passport (not expired)
- SSS / GSIS ID
- IBP or Integrated Bar of the Philippines ID
- PRC ID
- For IPs, certificate of confirmation from the National Commission on Indigenous Peoples
- Any other Valid IDs
Kung kayo ay wala ni isa sa mga nabanggit na mga dokumento ng inyong pagkakilanlan, ay maaari parin kayong magparihestro ngunit kailangan kayo ay papatunayan “under oath” ng inyong witnesses na kasalukuyang nakarehistro sa precinto kung saan kayo magpaparihestro. Maaaring maging witness ang inyong mga kamag-anak hanggang sa fourth (4th) degree of consanguinity or affinity.
Ang isang registered voter ay maaari lamang maging witness ng hanggang sa tatlong (3) aplikante lamang.
*Ang inyong BIOMETRICS ay kokolektahin gamit ang Comelec’s voter registration machine. Kasama sa mga ito ang inyong photo, fingerprints, at lagda o signature.
Pagkatapos makuha ang inyong BIOMETRICS, kayo ay bibigyan ng acknowledgment receipt (AR) na nagpapatunay na ang inyong application ay ganap nang na isumiti sa Comelec. HUWAG walain ang AR ninyo. Ito ay gagamitin sa pagverify ng inyong application.
5.) Wait for the approval
Pagkatapos magawa ang proseso, maghintay ng approval galing sa ahensya. Hindi agad approved ang inyong application kahit pa nakompleto ninyo ang requirements. Ito ay kailangan pang aprobahan ng Election Registration Board (ERB). Ang ERB ay nagkakaroon ng meeting tuwing ika-3 na lunes sa mga buwan ng Abril, Hulyo, Oktubre, at Enero.
Kapag ang inyong application ay aprobado na, ilalagay na ang inyong pangalan sa listahan o libro ng mga botante sa inyong lugar.
Maaaring kayong tumawag o makipag-ugnayan sa inyong local Comelec office upang malaman kung ang inyong application ay aprobado na.
Para sa mga karagdagang katanungan, bumisita sa Comelec’s Official Website o FB Page, o maaari rin mag email sa ebad@comelec.gov.ph o tumawag sa (02) 8525-9298 / 0927-559-5926