It’s Not Yet Too Late to Start: Pinoy Diskarte Tips for the Last 3 Quaters 2014

Not Yet Too Late

Ayon nga sa kasabihan ng mga Pinoy na “Huli man daw at magaling, naihahabol din”. Tama po ito. Bagamat ang unang quarter ng taong 2014 ay patapos na ngunit ang mga Pinoy ay merong pang deskarte upang humabol sa ano mang posibleng mangyayari sa kanilang buhay sa taong ito ng 2014.

Karamihan sa atin ay marahil nagtatanong, “Ano kaya ang gagawin ko sa natitirang buwan ng taong 2014?” Hind pa po huli ang lahat.
Sa akin pong pagbabasa ng mga artikulo tungkol sa mga posibleng idea na gagamitin para paghandaan ang mga natitira pang buwan ng 2014 ay napapunta po ako sa isang artikulo tungkol sa mga magiging patok sa taong ito.

Listahan ng mga Patok na Diskarteng Pinoy

Tech and Gadgets

Ang mga pinoy nga naman ay mahihilig sa kahit anong bago at ayon sa artikulo, sa taong 2014, papatok ang mga bagay bagay na related sa gadgets and mobile computing at kapag kayo ay nag-iisip ng isang negosyo na gagawin ngaun taon ay ang isa na dapat sa inyon listahan ang negosyong Tech and Gadgets.
Pinoy Tech and Gedgets
Hindi matatawaran ang galing ng pinoy sa larangan ng teknolohiya at siyensya kaya nga naging patok at in-demand tayo sa buong mundo. Maraming pinoy ang may kakayahanan gumawa ng makabagong gamit na sya namang mapapakinabangan ng bawat isa. Isa na dyan ang paggawa ng mobile app na sadyang patok sa lahat na gumagamit ng mobile phones.
Marami na sa mga Pinoy ang mobile users at hindi lang basta-bastang users kundi nasa online or internet na rin. Sa mgayon kasi kapag ang isang mobile phone ay walang kakayahang magconnect sa internet ay hindi ito patok sa mga consumers sapagkat nasa computing age na tayo ay talaga naman ang internet ay para bang isang kanin na hindi mawawala sa bawat pinoy.

Kapay ikaw ay marunong gumawa ng mobile app, simulan na ito at ibenta online. Create your apps for the Filipinos.

Cloud Computing and Extra Storage Services

Kalakip din sa mga “tech and gadgets” ang cloud computing and extra storage services.

Ano ba ang cloud computing?

Ang cloud computing ay isang konsepto nang network computing. Ibig sabihin nito ay ang paggamit ng network upang paganahin ang isang application or ang pagsave ng mga files gamit ang internet. Sa paraang ito ay hindi na kailangan ng malalaking memory or storage sa computer para mastore ang files at application. Ang cloud computing ay tinatawag din na “distributed computing” kung saan nagkakaroon ng isang dedicated server para magcater ng mga processes para paganahin ang isang program or application ng mga connected na computers around the world.

cloud computing
Naiimagin nyo ba papano pinapagana ng Google ang kanilang serach engine website or ang Youtube? Sila ay gumagamit ng cloud computing para mamaintain nila ang mga ito. Ibig sabihin, ang Google ay gumagamit ng iba’t-ibang computers na naka connect sa bawat isa sa pamamagitan ng internet. At ang mga computers na ito ay naka-base sa iba’t ibang bansa. Medyo complicated ang term na ito para sa mga wa masyadong alam sa computer terms ngunit kung ikaw ay may alam na dito, maari mo itong pasukin at gawin negosyo sa taong 2014 o sa susunod pa na mga taon sapagkat ang technolohiya ay lalo pang naging demand sa hinaharap.

Franchise and Convenient Stores

Franchising business is probably one of the most in-demand business sa panahon ngayon. Sino man na may gustong magsimula ng negosyo, wag nang palagpasin ang idea ng franchising.

eggnok express food cart

Sa franchising kasi, hindi mo na poproblemahin ang pangalan at ang mga gamit or supply na ititinda; ýon nga lang ang franchising ay sadyang mataas ang halaga. Ngunit hindi lahat na franchising business ay hindi naman mahal. Ang food cart franchising ay very affordable at maaari mo itong masimulan agad. Sa ngayon, may mga food cart business na nagkakahalaga lang mula sa Php20, 000 hanggang sa Php50,000. Ang gagawin lang ninyo ay maghanap ng tamang company at produkto na gusto ninyo.

Online Retail Store

Of course pagdating sa usapang technology at business, hindi dapat isantabi ang online retail store which naging patok na rin ito sa kahit saan man sa mundo. Ang e-Commerce ay isa sa pinakabagong paraan para kumita online. Online retailing is very simple to start with. Kailangan mo lang ng tamang produkto na ibebenta online gamit ang social media (facebook). Hindi na imposible ang pagbebenta online sapagkat karamihan na sa mga tao sa buong mundo ay gumagamit na ng internet.
satisfaccion tiendasonline

Ang pagkakaroon ng online retail store ay napaka praktikal sapagkat hindi na kailangan ng physical na tindahan para paglagyan ng mga paninda. Hindi na rin kailangan ng malaking kapital para simulan at palaguin ito. Tyaga at diskarte lang ang kailangan.

Nauuso narin ngaun ang online franchising business kung saan naaari kang maging online retail store sa halagang abot kaya. Isa sa mga halimbawa ang Technowise360 franchising business na sa halagang Php 360 lang ay maari ka nang mag umpisa ng inyong sariling Online Retail Store at take note hindi mo na iisipin ang inventory.

Ang aking mga nabanggit ay iilan lamang sa mga diskarteng business na maari mong simulan kahit na halos kalahati na ng taon ang nabawas sa taong kasalukuyan. Para din madagdagan ang inyong kaalaman tungkol sa inyong mga gustong inegosyo, maganda rin kung kayo ay magsaliksik tungkol dito.

Ano pa ang inyong hinihintay? Tayo na at simulan na. Huli man daw at magaling, naihahabol din! Mabuhay ka pinoy!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Follow by Email
FbMessenger