5 Simple Ways na Mamotivate ka na Mag-ipon

Siguro pakiramdam mo ngayon ay stuck ka sa iyong buhay. Yong pakiramdam mo na hindi ka na nag iimprove, marami ka nang goals na di natupad at parang nag tatrabaho ka lang araw araw pero wala pa ring ipon. Lahat tayo ay nakaranas na ng ilang pagsubok sa buhay at alam din natin kung gaano kabigat sa pakiramdam yong alam mo ang iyong goals pero wala pa ring nangyayari. Pero bago ka mag-isip ng mga negatibong mga bagay, huminga ka muna ng malalim at isipin mo kung gaano ka kaswerte ngayon. Marami sa atin ngayon ay hindi motivated na gawin ang mga bagay na dapat gawin, dahil it is eirther doon tayo naka focus sa mga negatibong bagay o wala tayong sapat na dahilan kung bakit natin ito ginagawa.

money saving tips

Gaya na lang ng pag-iipon. Alam nating lahat kung gaano ito kahalaga, pero bakit majority pa rin sa atin ang walang naiipon hanggang ngayon.

Ito ay hindi dahil ayaw nilang mag-ipon. Sa katunayan, lahat ng ta ay nasubukan na ang mag ipon. Malaki man o maliit ang kanilang income. Pero kunti lang ang nagtatagumpay dahil kunti lang din ang merong magandang dahilan kung bakit nila ito ginagawa.

Yong iba kasi sa atin, ay pride lang ang pinapairal kung bakit sila nag iipon. Nag-iipon sila dahil gusto nilang mag pa impress sa ibang tao kaya sa huli, hindi sila motivated na magpatuloy sa kanilang ginagawa at di nila alam ang kanilang purpose.

Kailangan mong magkaroon ng magandang dahilan sa iyong goal para manatiling motivated at consistent sa pagtupad nito. Kaya naman sa video natin ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang limang paraan kung paano manatiling motivated at focus sa pag-iipon.

Number 1. Magsimula ka sa maliit na halaga.


Unang dahilan kung bakit hindi motivated ang mga tao na mag-ipon, ito ay dahil maliit lang ang kanilang income. Pero tandaan mo ang kasabihan na, think big start small.

Kung gusto mong ma achieve ang iyong financial goals, hindi mo kailangang magsimula agad sa malaking halaga. Kailangan mo munang alamin ang iyong sitwasyon sa ngayon at sabayan na rin sa paggawa ng magandang plano.


Kung sa tingin mo ay walang paroroonan ang maliit na halaga, tingnan mo muna ito.

Daily%20Savings

Ang pag-iipon ng ganitong halaga araw-araw ay hindi masyadong mabigat at maganda rin ito para mabigyan ka ng sapat na motivation sa iyong ginagawa.

Kung ayaw mo naman ng ganitong paraan, at gusto mo yong monthly bases, pede ka mag-ipon ng by percentage sa iyong monthly income. Maaaring magsimula sa 10% buwan-buwan. Tapos 20%, 30% at kung hanggang saan ka komportable. Halimbawa, kung ang iyong monthly income ay 10,000


Savings

Sa ganitong halimbawa, dito mo maiintindihan kung gaano ka posible ang pag-iipon kahit maliit pa ang iyong income. Nasa willingness at commitment mo lang talaga iyan.

Number 2. Gumawa ka ng long term plans sa iyong ipon.


Karamihan sa atin ay nag-iipon lang para sa mga marteryal na bagay. Nag-iipon sila dahil may bagong labas na iphone. Gusto nilang bumili ng bagong sasakyan pero wala silang ipon para sa kanilang investments. Yong iba naman sa atin ay natatakot na ilagay ang kanilang pera sa investment dahil baka daw malugi. Pero hindi sila nag-aalala kung mapupunta ito sa mga liabilities at palagi pa silang napapagastos. Kung gusto mong manatiling motivated at maging consistent sa iyong pag-iipon, kailangan mong gumawa ng long term plan at paghandaan ang mga posibleng mangyari sa hinaharap. Unang bagay na paglalagyan mo sa percentage ng iyong ipon ay ang insurance. Pangalawa ay sa emergency fund, pangatlo ay sa investment at ang pang-apat ay sa inyong retirement fund.

Kung bakit una sa listahan ang pagkuha ng insurance, it’s either health or life insurance. Ito ay dahil nagbibigay ito ng proteksyon sa iyong personal na ipon at investment. Dahil kapag meron kang insurance, meron kang mapaglilipatan ng risk at meron kang kasangga sa iyong gastusin sa panahon ng emergency. Hindi talaga natin maaapreciate kung gaano kahalaga ang insurance hanggang sa dumating ang araw na makakaranas na tayo ng emergency. Dahil kung sasaluhin mo ang lahat na gastusin, maaapektuhan ang iyong personal na ipon, ang iyong investments, at pati na rin ang pera para sa iyong retirement. Pangalawa sa listahan ng iyong long-term plan ay ang pagkakaroon ng emergency fund. Ito yong pera na naka reserba na ang halaga ay katumbas ng iyong six months to 1 year na gastusin. Magagamit mo ito kung sakaling nawalan ka ng trabaho, merong kailangan irepair sa iyong bahay o di kaya nagkaroon ng emergency at hindi mo pa kayang magtrabaho.

Pangatlo sa listahan ng iyong long term plan ay ang investment. Ito talaga ang sekreto ng mga mayayaman. Meron silang investment na nagbibigay sa kanila ng passive income. Kaya habang nagtatrabaho ka ngayon, magpatuloy ka lang sa pag-iipon.

At pagdating ng araw, ilipat mo ang malaking percentage ng iyong ipon sa isang investment. Mainam din na merong perang nagtatrabaho para sa iyo.

At ang pang-apat sa iyong long-term plan ay ang retirement. Darating din ang araw nating lahat na hindi na natin kayang magtrabaho o ayaw na nating magtrabaho. Kahit nahinto na ang ating pagtatrabaho, patuloy parin tayong gumagastos. Kaya napakahalagang magkaroon ng retirement fund para financially independent ka pa rin sa iyong pag tanda at hindi maapektuhan ang buhay ng iyong mga anak.

Nabanggit natin kanina kung gaano kahalaga ang magkaroon ng insurance dahil ito ang maging kasangga mo sa mga unexpected na pangyayari, ang kwik.insure ay isang malaking insurance market place dito sa pilipinas. Matutulungan ka nitong pumili ng insurance na gusto mo at swak sa budget dahil sa maraming options na mapag pipilian. Meron silang vehicle insurance, health insurance, life and accident insurance at covid-19 related insurance.

Sa bawat uri ng insurance ay merong ibat-ibang provider dahil partner ng kwik.insure ang iilan sa mga trusted insurance provider dito sa pilipinas. Gaya nalang nila sunlife, malayan insurance,  inlife, philcare at marami pang iba. Wala ng mas mabilis at convenient sa kwik.insure dahil lahat ng transactions ay magagawa mo online. Mula sa pagpili ng insurance policy, pagbabayad at pati narin sa pag file ng claim settlements. Kung gusto mong bumisita sa kanilang website, pindutin mo lang ang aming referal link. At kung plano mo namang kumuha ng insurance ngayon, wag mong kalimutang gamitin ang eroberto na referal code bago mag proceed sa payment section. Salamat.

Number 3. Matuto kang magmanage ng pera.


Ang yaman ng isang tao ay hindi nagmumula sa laki ng kanyang income. Sa halip, ito ay galing sa kanyang kakayahan kung gaano sya ka galing mag manage ng kanyang pera. Ang pagmamanage ay isang kumon na ugali na makikita natin sa mga mayayaman. Sa tuwing natatanggap nila ang kanilang income, inuuna agad nilang itabi ang para sa kanilang ipon.

Dahil ang perang yon ay nakalaan sa mga future investments. Tapos ang natitira ay hinahati nila sa kanilang wants at needs. Binabayaran muna nila ang kanilang sarili. Inuuna palagi ang pag-iipon bago sila gumagastos. Ang pagmamanage ng pera ay isang personal na gawain. Walang ibang magmamanage ng iyong pera kundi ikaw lang. Oo totoo na kailangan mong maglaan ng ilang oras sa pagmamanage o di kaya ay boring ang ganitong gawain. Pero ang kapalit naman nito ay mabibigyan ka ng clarities sa iyong financial situation dahil dito mo malalaman kung magkano ang iyong income, magkano ang iyong naiipon, at magkano ang nagagastos. Malalaman mo rin kung alin sa iyong mga gastusin ang dapat tanggalin at kung magkano ang dapat mong idagdag sa iyong income.

Number 4. Iincrease ang iyong income.


Kung nag-iipon ka na ngayon ng maliit na halaga, meron ka nang long term ka sa iyong pera at marunong ka na ring magmanage, kailangan mo naman iincrease ang iyong income.

Merong dalawang paraan kung paano mo mapalaki ang iyong ipon.

Una ay magbawas ka ng mga gastusin at pangalawa ay maghanap ka ng mapagkikitaan. Alam nating lahat kung gaano ka hirap ang magbawas ng gastusin. Kaya hindi namin inirerekomenda na ihinto mo ang pagbili ng mamahaling kape o madalas na pagkain sa labas, sa halip, iincrease mo ang iyong income. Mas madaling iincrease ang income kaysa bawasan ang gastusin, at long term solution din pag increas ng inyong income sa iyong financial problem. Kung dati ay motivated ka na mag-ipon ng maliit na halaga, mas lalo ka pang mamomotivcate sa iyong pag-iipon ngayon dahil madadagdagan na ang iyong income at maaabot mo rin ang iyong goal ng mas maaga.

Number 5. Wag kang mangutang.


Isa sa mga dahilan kung bakit marami ang hindi nakakapag-ipon, ito ay dahil sa pagkakaroon ng utang. Nakaka apekto ito sa iyong motivation na mag-ipon. Dahil sa halip na maggagamit mo ang iyong income sa ibang bagay, napupunta lang ito sa mga tao na iyong pinag-utangan. Yung pakiramdam na palagi ka lang kinukulang sa iyong budget kaya wala kang na iipon. kaya hanggat maaari, wag kang mangutang. Kung gusto mong maenjoy ang iyong income, wag kang mangutang. Kung gusto mong manatiling motivated sa pag-iipon, wag kang mangutang.

Ang pangungutang kasi ay hindi mabuting solusyon kung kapos sa budget. Kaya nga sinasuggest na iincrease mo ang iyong income dahil marami kang matutunan na bagong skills at hindi mo na poproblemahin pa kung saan ka kukuha ng pera. 

In conclusion, para manatili kayong motivated sa pag-iipon, kailangan mong tanungin ang iyong sarili kung ano ba ang dahilan at bakit mo ito ginagawa. Ang pagbibigay ng magandang dahilan kung bakit ka nag-iipon ay makakatulong sa iyo na manatiling focus sa goals. Kailangan mo lang magsimula sa maliit na halaga. Gumawa ng long term plans sa iyong ipon, matutong magmanage ng iyong pera, maghanap ng paraan kung paano ma inccrease ang income at iwasan din ang mangutang. 

Sa limang bagay na tinalakay natin ngayon, alin sa mga ito ang nag momotivate sayo na mag ipon?Magbigay ka ng comment sa ibaba. 

Sana ay may natutunuan ka sa article natin ngayong araw. Wag kalimutang mag subscribe para lagi kang updated sa mga bagong articles namin. E-like at magcomment at ishare mo narin ang article na ito sa iyong mga kaibigan. Maraming salamat sa pagbasa. At sana ay magtagumpay ka!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Follow by Email
FbMessenger